ABOUT US - SAGIP BUHAY

Breaking

Sunday 31 March 2019

ABOUT US

ANO ANG LAYUNIN NG SAGIP BUHAY?

Ito ay isang charity foundation ng Raketirong Pinoy na gustong tumulong sa mga nangangailangan nating kababayan. Instead of giving any amount galing sa kamay o bulsa ng isang individual, minabuti naming magtayo nalang ng isang site at ang lahat ng kikitain mula sa adsense at private advertisers ay ibibigay sa mga tao o gropo na lumapit sa amin upang humingi ng tulong.

Ang Raketirong Pinoy ay binubuo ng maraming websites na may iba't-ibang categories. Kumikita ang aming mga websites sa pamamagitan ng Google Adsense at mga private advertisers. Lahat ng kikitain sa SAGIP BUHAY ibibigay namin sa mga taong nangangailangan. 



Sa mga tao o gropo na nakikita namin o kusang lumapit sa amin, we will share the earnings of SAGIP BUHAY. Yong mga taong nangangailangan ng tulong financial, medical o kahit ano pa man ay maaaring lumapit sa amin at pwede nating ilathala ang kanilang mga storya sa buhay sa SAGIP BUHAY website. Maari nating i-share ang link ng kanilang talambuhay para marami ang makakabasa at ang makukuhang tulong mula sa mga may bukal na kalooban ay direktang mapupunta sa kanila at kung kikita naman ang SAGIP BUHAY mula sa Adsense at private advertisers, ibibigay din namin ito sa mga taong na feature ng aming website.

Tanging hiling lang namin ay bukas tayong lahat na tumulong sa mga taong nangangailangan na hindi na kailangang magbigay pa tayo mula sa ating sariling bulsa kundi idadaan natin ito sa pagbabasa at pag-share ng mga kwento ng buhay sa mga taong nangangailangan.

Taos puso kaming magpapasalamat sa mga taong handang sumusuporta sa layunin naming ito. Ang Raketirong Pinoy Group ay kumakatok sa inyong mga busilak na puso para magawa natin ito para sa kapakanan ng mga taong gusto din ninyong tulongan.

Inaanyayahan namin ang lahat, kung mayron kayong mga taong gustong tulongan o gropo na gustong tulongan, magpadala lang kayo ng mensahe sa amin at idetalye nyo ang buong kwento ng taong maaari nating tulongan para mailagay namin ang kanilang kwento sa SAGIP BUHAY website. Sa tulong ng SAGIP BUHAY, maaari tayong makakalikom ng halaga na maibibigay natin sa kanila.

Marami pa kaming planong gagawin dito sa SAGIP BUHAY para makatulong sa mga kababayan natin na naghihirap at hindi kayang itaguyod ang kanilang pamumuhay. Mag-email lang kayo sa amin: help@raketirongpinoy.com

MARAMING SALAMAT PO!

No comments:

Post a Comment